Monday, April 6, 2009

Semana Santa Special

Isa siguro sa di mamatay-matay na panata ng mga pilipino ay ang hindi pagkaen ng mga karne at sa halip, ay mga seafoods lamang at gulay tuwing holy week or lenten season. Ako man ay lumaki sa ganitong klaseng routine or sacrifice na tinatawag. Ngunit sa paglipas ng mga taon, napansin ko na tuwing holy week, eh sobrang tumataas ang mga presyo nito. Halos nagiging doble ang mga presyo, kahit nga ata bawang at sibuyas ay nagmamahal din. Minsan kong napag-aralan sa loob ng seminaryo ang mga dahilan kung bakit hindi dapat tayo kumain ng karne kapag kwaresma o holy week at isa na nga sa mga dahilan na ito ay mahal ang presyo ng karne kaya dapat ung mga murang pagkaen lamang ang bilhin natin sapagkat ung perang matitipid natin ay dapat nating ibigay dun sa mga mas nangangailangan. Marahil ay hindi ito alam ng nakakarami satin at nung mga tindera na pilit sinusulit ang oportunidad ngayong holy week upang bumenta ng malaki. Hindi naman ibig sabihin na sila ay sakim sa dahilan na baka talagang mangmang sila sa ganitong bagay ngunit dapat din nilang malaman na hindi sa lahat ng pagkakataon, kailangan nilang manlamang sa pamamagitan ng pagtaas ng mga presyo ng mga needs ng tao, kaya nga "need" eh, bakit ba nila mamahalan?! di ba? at saka, kaya nga holy week, dapat eh matuto ring silang magbigay at magsakripisyo sa pamamagitan ng pagbaba sa mga presyo ng isda at gulay, pamamaraan na din nila ito upang makatulong sa pagpapanatili at pagprepreserve ng panata ng mga pilipino tuwing semana santa.